Showing posts with label Postpartum. Show all posts
Showing posts with label Postpartum. Show all posts

Friday, July 18, 2008

Love doesn't make the world go 'round; love is what makes the ride worthwhile

i am such a careless mom. last night, yena fell from the bed onto the floor. remembering her wails, my eyes welled up in tears until this morning. it was the first time and i promise it would be the last! i just cannot forgive myself for being so careless.. i deserve serious castigation not only from hubby but also from myself!!

- 0 -

in our desire to have a date once in a week, hubby and i took our escape for break time over one sweet sundae cone (mine- with fries dip on it!) yesterday. i know, that is oh sooo sweet! i am so ashamed for being so brutal and senseless idiot for picking up useless fights to my husband.

if only i can overcome my postpartum depression and lessen my unending war and freaking nerve wracking emote sessions to hubby. sigh. i'm glad he can control emotions and still can ride with me all this time..

after our toothaching date, i got the chance to sneaked to our clinic and checked on my weight.. and yes, i lost another 3lbs. i am 104lbs now!! 4lbs to go and i am really back to my old mini skirt! cant wait.. ;p

- 0 -

while all prices are soaring high nowadays. i should have expected our bus fare to increase in it's highest peak. Our 39 km en route to office everyday is now worth a whooping P70 from P55. I can just sigh remembering my college days when that ride is as cheap as P28. Those were the days..

Friday, June 27, 2008

If you're happy and you know it


One day, Isang Araw
I saw, Nakakita
A dog, Isang Aso
Walking, Naglalakad
I shoot, Kinunan ko
Heto ang Litrato!

Hahah. Corny me again.

- 0 -
Minsan naisip ko may bipolar disorder ako tulad ni Britney Spears. Minsan highest level ng pagkamasayahin, minsan highest level ng pagkabugnutin. Kung hindi man postpartum depression kaya? (Nanaman?) Pero parang dati na kasi akong lokaret. Naisip ko rin, hindi naman siguro. Yung topak at ketek ko ay di pa naman umaabot sa level ni Britney.. Tanungin mo asawa ko!

- 0 -
Yena has new playmate. Click this for more pictures! ;)


- 0 -
Happy Otso Otso at Advance Happy Bente Tres sa aking mahal na asawa! Opkors tinitreasure namen at sinicelebrate ang bawat araw na magkasama sa gitna ng lahat ng topak at problema pero extra special syempre ang twice a month naming pagsicelebrate ni Yobib ng aming mga monthsaries ng kasal at kajowaan.. Eto kahit sabihing corny ng iba, pakiko. Kanya kanyang trip lang to repapips! LOL

Love you more baby ko! Salamat sa di pagsabay sa katopakan ko. Kasi kung magkataon, palalaan na ng katopakan sa mundo at pag pinagsama ang topak nateng dalawa, daig na naten si Britney Spears! :D

Tuesday, June 24, 2008

Postpartum Depression

I think i'm having one (note, having talaga!). And so i google the words and found out that its really true. Researchers believe that depression is one of the most common complications during and after pregnancy. And so hindi lang ito emote at hindi lang ako ang nakakaramdam ng ganito, gosh hindi ako nag iisa.

According to
womenshealth, depression can be described as feeling sad, blue, unhappy, miserable, or down in the dumps. May inclination na mabaliw ang mga bagong panganak, yan ang sabi ng mga matatanda. (Note the word - mabaliw - future tense)

So kung meron akong postpartum depression, baliw na ba ako? ako ba'y nalolongkot? Ewan ko. Pero tanungin mo asawa ko, isa lang isasagot niya, super nagiging topakin na ako lately!

Ang dami ko ng mood swings, ang bilis mag init ng ulo ko sa kanya, nadidepress ako sa mga karumal dumal na news sa tv, nalulungkot ako sa mga nababasa ko sa diyaryo pati nga yung kay daboy pinagluksa ko. At dahil sobrang nabuburyong ako isa ang laging tinatamaan, ang asawa ko. Last week, halos buong linggo ko siyang inaaway, di ko pinapansin, ayokong kausapin, naiirita akong makita siya, tapos maya maya miss na miss ko siya at gusto ko siyang makasama. Parang baliw. May sayad na nga ata ako.

Naisip ko tama ang sinabi ng isang kakilala, kahit naman noon pa may ketek na ko. Pero mild lang naman at sa asawa ko lang naman inaapply ang lahat ng katopakan. Kasi nga alam ko na he loves me that much, na kahit anu pa gawin ko masasakyan niya, makokontrol niya.. He deals with the situation, he deals with me at pag humupa na ang topak ko kakausapin ako ng buong lalim hoping i will change. I'm also hoping i will. ;)


- 0 -
Natatakot na akong sumakay ulit ng barko, kasi kahit sabihin pang bago, malaki at walang history ng engine failure di pa rin masasabi ang panahon, gosh i am in postpartum dep again, naaawa ako sa mga nalunod sa lumubog na barkong MV Princess of the Stars ng Sulpicio Lines.
=(

Thursday, June 05, 2008

Postpartum Tummy

I'm on a diet. Diet-dietan lang. Panu ba naman kasi sira na ang mga slacks ko, parang lahat ng suotin ko ngayon pumuputok. Wala na kasi talagang pigil ang kain ko lately. Bukod pa sa sumasabay na talaga ako sa lakas ng kain ni Yobib!

Nung isang araw medyo naimbyerna ako sa guard, tinanong ba naman ako kung ilang buwan na ang tiyan ko?! Nerves in the house reaching ceiling talaga!! Pero composed naman ako sa pagsagot na, "4 months! 4 months pa lang ang anak ko!" Nagsori naman si manong pagkatapos, bago lang kasi siya at di niya ko nakita nung preggy ako kaya.. You're Forgiven Manong!

Bukod kay Hubby Yobib (na highest level na rin ang timbang ngayon!) at manong guard, pansin na rin ng mga officemates ang dahan dahang paglapad ko.. so ang remedyo? Diyeta, shets. kaya ko kaya??!! at sasabayan ko pa ng exercise! 25 situps na ko kanina, at dadagdagan ko ng 5 per day.. gudlak naman sa akin noh?!! :)

So eto nga nagpakuha ako kay Hubby ng picture, eto lang muna kasi censored na yung iba at naghanap ng picture na gagayahin ko ang ABS.. Gudlak talaga kung ma-carry ko 'to! After a month, babalitaan ko kayo kung kamusta naman ang inaasam na abs.. :)

Related Posts with Thumbnails

  © Blogger template 'Tranquility' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP