Postpartum Depression
I think i'm having one (note, having talaga!). And so i google the words and found out that its really true. Researchers believe that depression is one of the most common complications during and after pregnancy. And so hindi lang ito emote at hindi lang ako ang nakakaramdam ng ganito, gosh hindi ako nag iisa.
According to womenshealth, depression can be described as feeling sad, blue, unhappy, miserable, or down in the dumps. May inclination na mabaliw ang mga bagong panganak, yan ang sabi ng mga matatanda. (Note the word - mabaliw - future tense)
So kung meron akong postpartum depression, baliw na ba ako? ako ba'y nalolongkot? Ewan ko. Pero tanungin mo asawa ko, isa lang isasagot niya, super nagiging topakin na ako lately!
Ang dami ko ng mood swings, ang bilis mag init ng ulo ko sa kanya, nadidepress ako sa mga karumal dumal na news sa tv, nalulungkot ako sa mga nababasa ko sa diyaryo pati nga yung kay daboy pinagluksa ko. At dahil sobrang nabuburyong ako isa ang laging tinatamaan, ang asawa ko. Last week, halos buong linggo ko siyang inaaway, di ko pinapansin, ayokong kausapin, naiirita akong makita siya, tapos maya maya miss na miss ko siya at gusto ko siyang makasama. Parang baliw. May sayad na nga ata ako.
Naisip ko tama ang sinabi ng isang kakilala, kahit naman noon pa may ketek na ko. Pero mild lang naman at sa asawa ko lang naman inaapply ang lahat ng katopakan. Kasi nga alam ko na he loves me that much, na kahit anu pa gawin ko masasakyan niya, makokontrol niya.. He deals with the situation, he deals with me at pag humupa na ang topak ko kakausapin ako ng buong lalim hoping i will change. I'm also hoping i will. ;)
- 0 -
Natatakot na akong sumakay ulit ng barko, kasi kahit sabihin pang bago, malaki at walang history ng engine failure di pa rin masasabi ang panahon, gosh i am in postpartum dep again, naaawa ako sa mga nalunod sa lumubog na barkong MV Princess of the Stars ng Sulpicio Lines.
=(
1 comments:
POSTpartum..
MAy ganun ba talga?
Siguro sa ibang babae lang yan applicable kasi ang asawa ko ay wala ng paglalagyan ng topak. halos isang linggo akong nag iisip kung bakit ganun ang asal mo sa akin.
Gusto kong isulat ang mga nasa isip ko kaya lang pinipilit ko na lang intindihin sa abot ng makakaya ko. Kung magkaganun man, tatanggapin ko pa rin yun kasi wife kita. Natatawa nalang ako kapag naiisip ko ang katopakan mo, parang hindi na natural at para akong maiiyak pero salamat din at narinig ng Diyos ang prayer ko na maging maayos pa rin tayo kahit na ganun na ang ugali mo.
Ngaun ay medyo nagmature na ng konti ang wife ko dahil sa words of wisdom na sinabi ko sa kanya.
Just act like a matured married woman who's age is 26..by that you can beat that depression.
Post a Comment