the tough gets going..
Makukulong na ba ako?
Nag-co maker ako sa pinsan ko nung nangailangan siya ng pera pambayad sa agency para makapunta ng hongkong, sabi ng nanay ko tulungan ko raw, at dahil masunuring anak pumayag akong mag co maker. Sabi ni insan magpapadala siya ng pera para mabayaran, nagka abirya, di nababayaran, ako ang pinuputakti ng tawag ng financing company. and latest news, may warrant of arrest na ako as of writing. putsa talaga, napamura na ko. what the hell is this?
Dahil nerbyosa, skype agad kay husband, "bebe ko, makukulong na ata ako.." may crying smiley sa dulo. highest level ang kabog ng dibdib ko.
Oh Lord, 5 months pa lang ang baby ko kailangan niya pa ko, wag mo po hayaang makulong ang kagandahan ko. Dasal ko yan ngayon, maya maya ay pupunta na kami ni hubby sa financing company na yun sa ortigas.
Sabi ni Kurt Cobain, If it's illegal to rock and roll, throw my ass in jail!
And my version, Oh Lord, if its legal to help, please dont throw my ass in jail!
2 comments:
ganda, hindi tutuong may warrant ka... alam mo, gawa lang ng mga collection agency yan para magbayad ka. nang-ha-harrass talaga yang mga yan to force you to pay. kasi yang mga yan, may commission na from the original lender once naka-kubra sila. a certain portion ata of your utang goes to the collection agency. the bigger the loan they're after, the more harassment they will do.
I don't know much about legalities nyan sa philippines but if you know a lawyer, please talk to him. it might give you a perspective on what to do and what your rights are.
ate sienna,
pagkatapos ng walang puknat na kabog ng dibdib kahapon at sobrang nakakamatay na pakikipag usap sa mga taong walang pakundangan kung manakot heto ako ngayon at lumulutang sa ere, hindi dahil sa takot o nerbyos na nararamdaman ko kundi dahil sa'yong pagbisita.
huwaaaaaah. kung ito ang kapalit ng pagbisita mo sa blog ko, sige na nga nerbyosin na ng habangbuhay! :)
hahahah. thanks po sa pag iwan ng mensahe. totoo po na di ako makukulong, at pawang pananakot laang ang lahat ng yun. mga tutut talaga sila! at nagpatakot naman ako.. hahah
thanks po ulit ate sienna, or reyna ng blogging world. mabuhay ka!
:)
Post a Comment