Wednesday, June 06, 2007

dear baby,

tinawagan ko office ni daryl, so busy ata sila ni arlyn kaya si cleo ang nakausap ko.. gusto ko lng ilabas nararamdaman ko ngayon. feeling ko kasi any minute sasabog na ko.

nagkwentuhan kami tungkol sa pagpupuyat niya. tinanong niya ko kung ok na tayo. sabi ko mukang malabo na. galit ka. sabi ni johnny ganun daw talaga reaction ng lalake, tulad mo di rin siya papayag kung si cleo ang nasa katayuan ko. sabi ni cleo kung pwede bang umayaw na ako dun sa muse na un. sabi ko talaga namang ayoko, wala lang akong magawa. its like martial law here. dahil lang dun nag aaway tayo.

as of now, naghihintay lang ako ng text from trece, dun nila dinala si tatay. i am so hopeful na di malala lagay niya. sabi kasi ng doktor nia dalhin na siya sa hospital to undergo series of lab tests. sinabi ko sa'yo noon na ayokong dalhin dun si tatay kasi nakakatakot baka kung anung iturok nila.. basta natatakot ako.

di kita matawagan, nahihiya ako sa'yo. tuwing may tampuhan tayo at natatakot ako, isang tawag ko lang sa'yo darating ka agad. now, pinanghihinaan na ko ng loob pero di ko magawang tawagan or iemail ka. nasanay lang ako na lagi kang nandyan pag kailangan kita. siguro dapat kayanin ko tong mag isa.

gusto ko ng umuwe ngayon, gusto ko ng makita tatay ko. im such a crying baby. kasi ngayon tulo ng tulo ang luha ko. basta gusto ko lang umuwe ngayon at mayakap tatay ko. makitang ok siya. pero di ko magawa.

hirap ng ganito, may tampuhan tayo.. nasa hospital pa si tatay.

nakakalungkot. nakakaubos ng luha. pero kakayanin ko to. alam kong kahit nagtatampo ka mahal mo pa rin ako, sabi mo pa kahit na anung mangyari yayakapin mo pa rin ako.. ganun din ako sa'yo!

sana magkasama tayo ngayon at pinapalakas mo loob ko..

0 comments:

Related Posts with Thumbnails

  © Blogger template 'Tranquility' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP