Friday, September 22, 2006

a raisin is a grape that worries too much

napapansin ko, nitong mga nakaraang araw masyado akong madaling madepress.. (depression?- anu nga ba to sa tagalog?) heheeh. kidding aside, true talaga.. dati na kong madaling umiyak at malungkot kapag nasagi ang maramdaming puso. pero ibang lebel na ng kaemotan eto. di ko na macarry minsan.

naalala ko tuloy ung time na sobrang down ako, at walang makausap. impit ang pag iyak ko sa opisina, wala akong masabihan ng problema that time.. that was june 15, 2005.

bago pumasok, napansin kong may nakaipit na dilaw na papel sa kikay kit ko, naisip ko sulat marahil yon. ah, galing sa kapatid kong si aya. emotera rin yun, once in a blue moon nga lang. nakalagay sa sulat "ate basahin mo pag nasa office ka na -aya". at dahil hindi ako masunurin sa instruction, wala pang ilang segundo natapos ko ng basahin ang mala-tele-nobelang sulat na iyon.

bumagsak ang mundo ko. sa bus pa lang papasok, bumabaha na ako ng luha. paulit ulit kong binabasa ang sulat.. paulit ulit ko ring sinasabing nananaginip lang ako, hindi totoong nangyayari to.. magigising ako mamaya at ok na ako.

pero hindi. totoo ang lahat. masakit. mabigat sa dibdib. parang gusto kong sumigaw. maraming tanong, walang sagot. pakiramdam ko nag iisa ako. gusto kong mapag isa. wala akong maramdaman. basta umiiyak ako. punong puno ng pag aalala ang puso ko. panu pag nalaman ni momi at dadi? panu ko sasabihin sa kanila? mahina pa naman mga puso nila.. baka tulad ko, di rin nila kayananin. sa isip ko kinakausap ko ang kapatid ko, baket mo ginawa to? baket ngayon pa? baket? baket? at baket?

tuwing binabalikan ko ang alaalang yon napapaiyak ako. napapaiyak sa sobrang sama ng loob at sa sobrang kaligayahan. masama ang loob ko hindi dahil sa binigo ako ng kapatid ko kundi dahil sa maidudulot niyang sakit kay momi at dadi, yung hiling ni momi na diploma.. ang tanging hiling niyang diploma bago kami mag sipag asawa.. hindi niya na ba maibibigay? sobrang nalugmok ako. ang tatlong taon ng pagbubuno ng mapatapos siya sa kolehiyo ay walang kinahantungan.. nakakapanlata.

pero higit dun, nalaman kong napakaswerte ko sa mga magulang ko.. masayang malungkot. pero lamang ang saya..

ang sobrang pag aalala sa mga mangyayari.. napalitan ng pagbubunyi. ang kinakatakot kong paghaharap ng isang prodigal daughter sa kanyang magulang, parang isang teleseryeng nagbabaga ng iyakan.. ng pagmamahalan. wow!sobrang bait nila, with open arms and arms reaching..niyakap nila ang kapatid ko pabalik.. mahal talaga nila si aya. mahal ko si aya.

ngayon ay walong buwan na ang munting anghel.. hindi matatawaran ang ngiting nakikita ko sa mga mata ng lolo at lola sa bahay..mahal na mahal nila ang kanilang unang apo.. at mahal na mahal ko rin ang munting batang ito.. ang nagbibigay ng ibang kiliti sa amin.. si IYA.

para kay aya at iya ng buhay ko. love u both! mwah

madali talaga akong magworry sa mga bagay bagay.. maliit man o malaki. hobby ko na ang mag isip at mag alala. natanong ko tuloy.. "raisin na ba ako?"

3 comments:

---mommy--- Friday, September 22, 2006 4:32:00 PM  

sis ok lang yan be strong thats part of life kaya nga sabi nila kung kailangan mo ng masasandalan andito lang ako kung umiiyak ka ito panyo pero wag mong sisingahan ha,hehehe joke lang gusto lang kitang pasayahin kahit kungti lang, sis anak mo ba yon?

niko Friday, September 22, 2006 4:38:00 PM  
This comment has been removed by the author.
Silent Witness Monday, October 09, 2006 4:39:00 PM  

No matter what happens, parents are always there to understand and love us... very touchy....

Related Posts with Thumbnails

  © Blogger template 'Tranquility' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP