Monday, September 25, 2006

Ian's Prophecy

ang kwentong ito ay likha ng mala'nostradamus na imahinasyon ni IAN Tarabusaw, ang aking great-BIG friend inside out, para sa kanyang matagumpay na buhay sa Canada.. CHEERS! Til we meet again my dear.. hintayin mo ako dyan sa Quebec?!

Ilang Taon Pagkatapos (First of Four parts)
Day Twenty Two. I'm going to Baclaran Church later. Need to say a prayer. Not that I cannot say a prayer in our home, but I just want to visit the Holy Mother.
~0~
As promised, here is the "prophecy" I made. This is the first of four parts. Please bear with me if you'll see some flaws in the storyline or my grammar.
~0~
Abril 2017, New York. Tagsibol na dito. Tag-init naman sa Pilipinas. Siguro marami na namang gustong mag-swimming o umakyat ng Baguio. Nakakamiss minsan ang summers sa 'Pinas!
Labing-isang taon na rin pala akong nandito. Ang bilis ng panahon! Mahigit sampung taon na pala akong nagtapos sa kolehiyo. Hindi na nga ako naka-attend sa homecoming namin nung 10 years na ang batch namin eh. Sayang! Namimiss ko pa naman silang lahat - lahat ng kulitan, lahat ng harutan, pati na rin yung mga iyakan. In short, nakakamiss maging bata! Eh ngayon, ano ng iisipin mo? Pambayad sa bahay, sa kuryente, pang-matrikula ng anak at kung anu-ano pang gastos! Ang mahal pa naman dito! Kamusta na kaya sila? At least si Macky nakita ko pa nung autumn. Ang swerte ni Macky! Biruin mo, gaganun-ganun yun nung college pero ano na siya ngayon? TV Host!!! At talagang mahal na mahal siya ng America, at siyempre ng buong mundo. Natuwa ako dun sa interview niya sa isang terorista ha. Ang tapang ni Macky!
Bukod nga pala kay Macky, nakita ko rin sina Bubbles and Mike sa Florida, pero last year pa yun. Nagbakasyon lang sila. Nagbakasyon din kasi kami ng anak ko. May dalawang chikiting na rin pala sila! Ang cute nung bunso! Ang taba-taba!!! Sinabihan ko nga sila na papayatin na nila eh. Huwag na nilang itulad sa akin na kung anu-anong pinagagawa para pumayat. Pero at least pumayat na ako. Hindi nga lang ganung kapayat pero, ok na. Si Bubbles nga pala ay partner na ng Ernst and Young Singapore. Actually dun na sila ni Mike naka-base eh. Si Mike din kasi ay isa ng top executive ng HSBC sa Singapore.
Naku! Alas-otso na pala! Kailangan ko na ihatid ‘tong si Matt sa eskwelahan. Buti na lang at malapit 'tong apartment namin sa subway kaya madali lang ang transportation.
Pagkahatid ko kay Matt ay dumeretso na ako sa opisina. Nagtatrabaho ako ngayon sa isang insurance company dito - Senior Manager ako ng Claims and Underwriting Department ng New York Life. Pagbukas ko ng PC ko, may isang malaking surpresa na bumulaga sa akin!!! Naaprubahan na ang leave form ko!!! Nag-file kasi ako ng vacation leave for two months. Balak ko kasing umuwi muna sa ‘Pinas. Buti na lang mabait yung VP na under ako - Belgian kasi kaya malayo rin sa pamilya so naiintindihan din niya kapag naho-homesick ako.
Umalis kami ni Matt ng April 12 sa US. Excited ang bata. First time pa lang niyang makikita ang Pilipinas at ang mga kamag-anak niya. Siguro dahil na rin sa mga kwento ko kaya nasasabik na siyang umuwi.
Hinintay pa namin ang mga bagahe namin pagbaba ng eroplano. Siyempre hindi dapat makalimutan ang mga balikbayan boxes! Habang naghihintay ay may nakita akong pamilyar na mukha! Si Abi!!! Grabe ang seksi-seksi niya na ngayon! Kasama niya nun ang hubby nia. Nakita ko silang pasakay sa eroplano papuntang Venezuela. By the way, si Abi nga pala ay nanalo sa Binibinig Pilipinas 2006. Siya ang nagrepresent ng Pilipinas sa Miss Universe na ginanap sa Sri Lanka noong taon ding yon. Sayang nga at 2nd runner up lang siya. By the time na sumali siya sa pageant ay nag-retire na siya sa KPMG. She finally gave a shot to her life long dream na maging isang beauty queen. Four years after that, nagpakasal na rin siya. May baby na rin siya, Crispulo yata ang pangalan. Ngayon ay isa na siya sa mga trainor ng mga pambato ng Pilipinas sa Miss Universe. Siguro kaya sila pupunta ng Venuzuela para mag-train ng contestant sa pageant na yun.
Kung may nakita akong paalis, may nakita rin akong pabalik. Guess who? Si Alva!!! Supreme Court Justice na nga pala siya ngayon. Hanep! Nagsimula lang sa pagiging Internal Auditor ng Supreme Court yan ha. Susubukan ko sana siyang lapitan eh, kaya lang ang daming bodyguards! Di bale siguro some other time na lang.
Nakuha ko na rin ang mga dalahan ko sa wakas! Palabas na kami ng airport ng may biglang tumawag sa akin. "Ian! Ian! Ian sandali!" Ang sarap pakinggan ng Ian. Sa New York kasi, they call me Chris. May Ian na kasi sila. Paglingon ko, aba si Jane pala! EVP na siya ng PAL at galing sila sa isang convention sa Tokyo. What a coincidence talaga! Ang dami kong nakikita ah. Nagkumustahan kami ni Jane. Okay naman daw siya. Sila rin ni Lupin ang nagkatuluyan. Actually she’s preggy nga sa third baby nila. Naghiwalay na rin kami ni Jane. May meeting pa daw siya eh. Grabe! Iba na talaga ngayon. Kahit gusto mo silang kausapin ng matagal, hindi mo na magawa. May kanya-kanya na kasing buhay eh. Hayyy… ganian talaga.
Sinalubong ako ng mga kamag-anak ko. As usual, isang baranggay na naman sila. Hinatid nila ako ng isang baranggay noon, sinundo din nila ako ng isang baranggay ngayon. Pagdating ko sa bahay ay nagpahinga muna ako. May jet lag pa kasi eh.
Kinabukasan, nagpaalam muna ako para naman mamasyal. Hindi ko na isinama si Matt. Buti na lang kilala niya sa litrato ang lolo at lola niya kaya hindi na ko nahirapang iwan ko siya. Pumunta ako ng PLM - ang eskwelahan ko nung kolehiyo. Ang laki na ng ipinagbago. Wala ka ng mababakas na makakapagpaalala sa iyo ng panahon mo. Bago na ang lahat ng gusali. Sinubukan kong pumasok. Pinayagan naman nila ako. Konting ingles lang na may American twang, voila! Nasa loob na ako. Balita ko kasi ay may kaklase akong nagtuturo na dito.
To be continued...

Ilang Taon Pagkatapos (Second of Four Parts)
Here's the second part of my short story... Enjoy!
~0~
Pumunta ako ng faculty room ng College of Accountancy (Sosyal! May sarili ng college ang BSA!). Nagtuturo na dito si Carmie ngayon. MAS ang forte niya. Pinaghintay muna ako ng ibang propesor habang nasa klase pa si Carmie, tutal malapit na rin namang matapos ang klase niya. Habang nakaupo ako sa office ay may pamilyar na pangalang tumambad sa akin. Arlene G. Caraos - Dean. Arlene G. Caraos?!? Si Arlene, dean na? Bumukas ang pinto at nakita ko si Carmie na kasama si Arlene. Grabe! Kagalang-galang talaga ang dating! Nakakatuwang isipin na may mga kaklase kaming naging teacher din sa aming Pamantasang Mahal. Naalala ko tuloy si MJ, sabi kasi niya dati, gusto niya maging professor. Tinanong ko rin siya kina Arlene, sabi nila professor na nga rin si MJ sa La Salle Taft, pero dati na rin siyang nagturo sa PLM. Eh yung napangasawa kasi niya eh faculty ng Communication Arts sa La Salle, kaya yun nag-full time na rin dun.
Siyempre, walang katapusang kwentuhan ang nangyari. Dinala nila ako sa canteen nila. Pero natakot ako, ayoko kasing magkaroon ng amoy canteen paglabas. Pero sabi naman nila, hindi na daw uso ngayon ang canteen scent sa PLM. At totoo nga, paglabas namin, hindi ako amoy canteen! Sobrang okay nga ng food eh, hindi na pangat!
I also got some updates sa mga nangyari sa iba naming classmates. Si Rey pala at Emy ay mga politiko na. Si Rey ang current Mayor ng Muntinlupa, habang si Emy naman ang kasalalukuyang congresswoman. Kaya lang magkaiba sila ng partido eh. Pero sabi naman nina Arlene, hindi naman daw sila nagbabangayan. Kaya nga pala alam ni Arlene ‘to dahil taga Muntinlupa na rin siya. Sa Ayala Alabang lang naman siya nakatira.
Kinamusta ko ang tropa ni Carmie. Bukod sa alam kong kinasal at may tatlong anak na sina Erwin at Kim ay wala na akong balita sa iba. Ngapala, si Kim ay may sarili na ring franchise ng Jollibee! Naks! Natupad niya ang pangarap niya. Sabi ko nga kay Carmie eh minsan dalhin niya ako sa branch nina Kim. Sabi ni Carmie, sina Ato at Tinay ay kinasal na rin daw, ngayon nga daw ay nagbabakasyon sila sa Paris kasama ang dalawang bulilit nila. Si Tinay nga pala ay member na ng Board of Accountancy. O diba? Bigatin ang JPIA President namin?
Kinamusta ko rin ang inaanak ko kay Mhy - si Hermione. Okay naman daw. Dalaga na nga daw eh. Malamang hindi na ako kilala nun. Nakatira na daw sina Mhy ngayon sa Cavite eh. Si Reyn at Melissa ay may business na itinayo. May recording company sila. Si Lhea nga daw ang first artist nila eh. Nakailang platinum records din si Lhea. Nakapag-US tour na nga din siya e. Nakapanood kami ng concert niya sa Daly City pero matagal na rin yun eh, siguro mga isang taon pa lang ako nun sa Amerika. Si Dennis nga pala ay active din sa government. Naalala ko bago ako umalis nun, Finance Secretary na siya. Ngayon ay isa na siyang Senador! Si Anthony naman ay may sarili ng Auditing Firm. Kapartner niya sina Jonald at Jayson - Lumotan Gutierrez Ramos & Co. Ngayon, isa na rin sila sa mga respetadong audit firms sa Pilipinas. Hahaha! Hanggang ngayon hindi pa rin naghihiwalay sina Anthony at Jonald!
Si Jonald nga pala at MC ay nagpakasal na rin. Nakapunta pa nga ako nung kinasal sila eh. Sila na yung pinakahuling kasalan na napuntahan ko. Naalala ko pa nga na puro alta sociedad nga ang mga bisita nun eh. Si MC ngayon ay nasa Bangko Sentral at may dalawa silang anak ni Jonald.
Kung merong huling kasalan, siempre meron ding una. Ang pinakaunang kasalan na napuntahan ko ay yung kay Wheng at Jess. Engrande rin! Ngayon, plain housewife na si Wheng at may siyam na silang anak ni Jess. Hindi rin sila masyadong masipag no? Isa pa nga dun ay inaanak ko rin sa binyag at balita ko eh buntis ulit si Wheng ngayon, nakapagpa-ultrasound na nga daw siya - triplets daw!!! Aba mantakin mo yun!!! Nanay na nanay na talaga si Wheng.
Matapos ang mga kwentuhan namin nina Carmie at Arlene ay nagpasya na akong umuwi, medyo humaba yata at inabot na kami ng gabi. Nakakapanibago. Hindi na masyadong matraffic. Hindi na katulad dati. Ang laki na ng ipinagbago ng Pilipinas!
Kinabukasan, sa bahay lang muna ako. Sa mga pinsan at kamag-anak ko naman ako nakipag-bonding. Matagal na rin kasi kaming walang komunikasyon. Hindi na nga rin kami kumpleto, kasi yung iba sa amin, nasa ibang bansa na rin. Parang naisip ko tuloy na bumalik na lang dito sa bansa, tutal maayos-ayos na naman ang lagay dito eh.
Nang sumunod na araw nagliwaliw na naman ako. But this time, Matt was with me. I used my brother’s car that day. Sabi ko kay Matt pupunta kami ng Makati. Naikwento ko kasi sa kanya na dun ako nagtatrabaho dati. Siguro naman hindi pa rin nagbabago ang mga kalsada dun.
I used the skyway at sa Buendia na ako nag-exit. Habang naka-stop pa ang kotse namin, something caught my attention - a Ferrari. Whoa! Ang ganda! Naisip ko sana may ganun din ako. Pero bukod sa Ferrari, mas nakuha ang atensyon ko ng nasa passenger seat ng kotse. Si Apples!!! Grabe! Iba na talaga si Apols ngayon. Actually, isa na si Apols sa mga elitista at who’s who sa Philippine society. Nakita rin ako ni Apols, I waved, and she waved back. Napaka-refined ng wave niya. Then the lights became green. Dumeretso na ang mga kotse namin.
We are heading for the Shang. Imi-meet ko ang favorite seatmate ko - si Beth, na Torres na ang apelyido ngayon. Pumunta na ako sa meeting place namin ni Beth, sa Anilov, isa sa mga restaurants sa Shang. Dumating na rin si Beth. Wala pa rin siyang pinagbago. Siya pa rin yung seatmate ko dati na kikay. Ay! Meron na rin pala. She’s now happily married with three children at hindi na rin siya late!!! Hahaha! Sobrang excited nga ako nung nakita ko siya eh. Ipinakilala ko si Matt.
"Beth, si Matt, anak ko."
"May anak ka na? Eh nasan ang asawa mo?"
"Divorced na ako. Siguro cultural differences, Amerikana kasi eh. At medyo hindi talaga kami magkasundo, eto nga iniwan niya sa akin si Matt eh. Pero okay lang, kesa naman mapasama yung bata."
"Teka alam na ba ni Matt, baka hindi pa eh baka maintindihan niya tayo."
"Oo alam na niya, ipinaliwanag ko na sa kanya. Buti mana sa akin, matalino, madali siyang makaintindi. Teka tama na ang malungkot na usapan. Ano kamusta na?"
"Ito maganda pa rin! Sandali alam mo ba kung sino may-ari nito?"
"Sino?"
"Sosyo sina Darling, Mayeth at Delilah dito."
"Talaga! Ang ganda ha, pati interiors ang ganda!"
Just like the good old days, kwentuhan at kulitan to the max kami ni Beth. Habang nag-uusap kami, pumunta ang isang crew sa table namin.
"Sir? Kayo po ba si Sir Christian?"
"Yes."
"Sir, pwede po ba kayong pumunta sa parking, medyo nagkaproblema lang po."
"Anong problema?"
"May nakabangga daw po sa kotse niyo."
"What?!? Damn it. Matt stay here with Tita Beth, Daddy will just check our car. Beth, dito na lang muna kayo ha."
Dali-dali akong pumunta ng parking. Halos gusto kong murahin yung crew, hindi naman kasi sa akin yung kotse eh. Pagdating ko ng parking nakita ko ang walanghiyang nakabangga sa kotse namin.
"Ano ka ba? Bulag o tanga? Nasa gilid na nga, nabangga mo pa!!!"
"Sorry pre! Pasensya na talaga…"
"Pasensya? E pa’no ngayon yan?"
May babaeng bumaba sa kotse.
"Ian? Christian Montefrio?"
To be continued...

Ilang Taon Pagkatapos (Third of Four Parts)
Here's the third part. =)
~0~
Nagulat ako. Medyo nawala ang kunot ng noo ko.
"Yes, bakit?"
"Consuelo…" sabay turo sa sarili. "Consuelo Mallari, PLM"
"Consuelo. Cons!!! Kamusta?"
"Okay naman. Ikaw? Kelan ka pa nandito?"
"Okay din. Nung isang araw lang. Sandali ibig mo sabihin kayo ang bumangga sa kotse ko?"
"Sorry ha. Di talaga namin sinasadya. Di ba hon?"
"Ah, asawa mo siya. Pare, magpasalamat ka at kaibigan ko ang asawa mo. San kayo pupunta?"
"Sa Anilov. Kina Mayeth yun eh."
"Oo nga daw eh, sabi ni Beth. Nandiyan siya ngayon."
"Sandali wala ka bang balak na ipakilala mo ako sa ‘Hon’ mo?"
"Ay sorry, na-excite kasi ako nung nakita kita eh. Hon, this is Christian, our block President, Ian, this is Richard, my husband."
"Nice to meet you Richard."
"Same here."
Umakyat na rin kami ng hotel. Pag-akyat namin ay nakita ni Beth na kasama ko na si Con.
"O! san kayo nagkita?" tanong ni Beth.
"Sila lang naman ang nakabangga ng kotse ko. Wait, Matt, these are Tita Consuelo and Tito Richard. Tita Consuelo is also my college classmate. Cons, here’s Matt, my son."
"Hello Matt! How old are you?"
"I’m turning nine on June 3."
"Ian, anak mo ba talaga si Matt? Bakit blue-eyed? Naka-contact lens?"
"Hindi, amerikana kasi nanay niyan eh."
Matapos ang mahabang kwentuhan, nagpaalam na rin sina Cons and Richard. Pupuntahan pa daw nila si Delilah at ang hubby nito. Paalis kasi sila ngayon. Aattend si Delilah ng isang Dining and Food Convention sa Thailand, isinama na rin nya sina Cons para magbakasyon. Kami na lang ni Beth ang natira. Pinasundo ko na rin si Matt sa sister ko dahil mukhang naiinip na dahil puro pang-matandang usapan ang naririnig niya.
Pumunta kami ni Beth sa Rockwell. Dinala niya ako sa shop nila. Nagtayo daw kasi sila ng shop nina Kat, Dhang, Mhe-anne at Niko. Guess what kung anong pangalan? KIRAY!!! Hahaha! Alam ko na kung bakit? Si Mhe-anne ba ang may pinakamalaking share sa capital? Isa nga sa mga sikat na brands ng damit ang product nila. Actually, may nakita na rin akong shop nila sa San Francisco. Ang sosyal no? Pang-US ang market!
Lahat silang tropa ay may mga asawa na rin. Sabi ni Beth, si Dhang daw ang pinakaunang ikinasal sa kanila.
Pagdating namin sa Kiray ay nakita ko na okay din ang interiors. Sabi ni Beth, si Niko daw ang nag-design nun pati na rin yung sa Anilov. Kumuha kasi si Niko ng Interior Design sa La Salle eh. Good for her, yun naman talaga ang gusto niya. Meron na nga silang partnership na itinayo nina Bambi at Michelle eh. Well, eversince college naman sila ang may mga creative juices sa block plus si Anthony pa pala. Di bale kahit na wala naman si Anthony sa Infante and Associates, partner naman siya sa Audit Firm nila. Pumunta kami ni Beth sa office, nandun si Kat at ang asawa niya.
"Hello Kat! Still remember me?"
"Aah, Beth, kapatid ng asawa mo?"
"Ano ka ba? Si Ian yan!!!"
"Ian? As in Christian Montefrio?"
"Oo! Sino pa bang Ian ang kilala natin?" sabi ni Beth.
"Uy Ian! Kamusta? Ang payat mo na kasi kaya hindi na kita nakilala. Anong nangyari sa’yo? Nagda-drugs ka no? Ngapala Ian si Jonas, husband ko. Jonas, si Ian, friend namin nina Beth."
"Hi Jonas! Glad to meet you."
"Same here. Sayang nandito kanina si Mhe-anne. Kakaalis lang niya halos."
"Sayang naman." Sabi ko.
Siyempre kwentuhan na naman kami. Nakakapanibago lang, puro pang-matanda na talaga ang mga topic namin. Nakakamiss talaga ang buhay bata. Napagkwentuhan nga din namin si KC at Mayo eh. Sila kasi ang kauna-unahang models ng women’s line nila. Sabi nga nila ang laki nga daw talaga ng sales kahit hindi masyadong sikat ang mga models. Actually nakatulong pa nga ang shop nila para sa careers nina KC at Mayo. Si KC kasi, nakapasok sa showbiz, naging artista siya. Pero ngayon, nagdi-direct na lang siya eh. Give chance to other young actors naman daw. Pero sabi ni Jonas, once in a while gumagawa pa rin ng movies itong si KC. Last year nga daw ay nag-grandslam best actress si KC sa role niya sa sequel ng Masikip sa Dibdib.
Si Mayo naman ay naging isa sa top fashion models sa bansa. Kung si Abi ang sa Miss Universe, si Mayo naman sa Elite Model Search. Though hindi siya ang nanalo, she was also given the chance to strut in the runways of Paris and other famous modeling destinations. Pero ngayon ang napili niyang career ay maging plain housewife, which I can say is a very hard career. Mahirap yata magpalaki ng anak.
Nagpaalam na rin ako kina Beth, Kat at Jonas. Pumasyal-pasyal muna ako sa mall. Matagal ko na rin kasing hindi nagagawa ‘to eh. Medyo mahirap kasing humanap ng oras sa Amerika para sa paglilibang. Habang naglalakad-lakad, nakita ko ang mga magkukumareng sina Rency, Love at Johanna. Grabe! Hanggang ngayon, nakakatuwang isipin na buo pa rin ang Tatlong Maria. Mukhang hindi rin nila ako nakilala, kaya ako na ang lumapit.
"Rency."
"Yes. Do we know you?"
Aba. May pagkamataray ang sagot ha.
"I believe so. I’m Christian Montefrio, your college classmate."
"Christian!!! Anong nangyari sa’yo? Bakit ang payat mo na?
"Ha? Ganyan talaga e. Kamusta na Joh and Love."
Kumain na rin kami ng dinner. Dun ko nalaman na kakabalik lang pala ni Rency galing sa bakasyon nila ng asawang niyang si Jaypee sa Switzerland. Ito palang si Johanna at Love ay taga Australia na at dahil nga alam nilang uuwi na sina Rency dito ay naisipan nilang magbakasyon muna sa Pilipinas. Sina Love at Johanna ay mga Partners na sa Ernst & Young Sydney. Bigatin no?
Matapos ang mahaba-habang kwentuhan ay nagpaalam na rin ang tatlong Maria. Naisip kong tumawag muna sa bahay just to check my son. Pagkapa ko sa bulsa ko, wala ang cellphone ko! Bumalik ako kina Beth para tingnan kung naiwan ko nga dun.
To be continued...

Ilang Taon Pagkatapos (Last of Four Parts)
Here's the last part of my four-part story. Sorry if I wasn't able to post this yesterday. I was so overwhelmed by my visa approval, I forgot about everything else... Hahaha!!! =D
~0~
"Excuse me Miss, is Mrs. Torres still there?"
"Sir, she just left a few minutes ago."
"Oh I see. Who’s in the office right now?"
"I believe Ms. Dhalia is in the office."
"Dhalia Vergara?!?"
"No Sir, Dhalia Mendoza."
"Ah ok! Dhalia Mendoza. Can I talk to her?"
"For a while Sir, I’ll ask her."
Sobrang na-excite ako. Makikita ko si Dhang! Kamusta na kaya siya? Makulit pa rin kaya? Mendoza na pala ang apelyido niya.
"Sir, sige po pasok na po kayo sa office."
"Thanks, Miss…?"
"Jen Villaruel Sir."
"Thanks Jen."
Pumasok na ako sa office nina Dhang.
"Dhang?"
"Tarabu!!! Kamusta na?"
"Ito okay naman. Ikaw kamusta na? Mrs. Mendoza ka na pala ngayon ha. Kaya lang maliit ka pa rin! Hahaha!"
"Hoy! Kahit maliit ako, maganda naman. Nasabi nga nina Kat na pumunta ka dito kanina eh. Bakit ka bumalik? May naiwan ka no?"
"Nandito ba? Dito ko ba naiwan ang phone ko?"
"Opo. Ano ba yan? Ang laki-laki na, nakakaiwan pa rin ng celphone! Pero in fairness, ang payat mo ngayon ha."
"Uy, thank you!… Sandali, anong trabaho ni Jen dito?"
"Aba! Pa’no mo siya nakilala? Ian ha…"
"Tinanong ko yung pangalan siyempre. Sa kanya ako nagtanong kung sinong tao dito eh, so nung nag-thank you ako, tinanong ko na rin ang name niya. Anong work niya?"
"Branch Manager. Uy! Interesado! Okay lang, dalaga pa yun."
"Hindi ko naman tinatanong ah."
"Sus! Yung mga ganyan mo alam na alam ko na."
"Sandali, kamusta na nga pala si Jho?"
"Si Jho? Naku ang daming pag-aaring bar nun. Sa Malate meron, sa Makati at QC meron din."
"Talaga? Kamusta na sila ng husband niya? Ilan na baby nila?"
"Going stronger and stronger pa rin sila ni Davied. Apat na nga ang anak nila eh. May anak ka na rin daw sabi ni Beth, pero walang asawa."
"Oo, divorced na kasi kami eh."
"O yun! Tamang-tama, pwede mo ng ligawan si Jen!"
"Tumigil ka nga diyan! Baka matukso ako! Hahaha! … Sige na Dhang, I mean Ms. Mendoza, I’ll go ahead na. Naghihintay na si Matt eh. Nice seeing you again."
I finally decided to go back home. Nagpasundo ako sa brother ko. Its been a long day! Ang daming nangyari. Parang kulang pa nga eh.
We finally arrived in Laguna Bel-Air. Dito na nakabili ng bahay ang pamilya namin. Plano ko na nga ring dito na lang kami ni Matt sa Pilipinas eh. Tutal nakaipon na din naman ako.
Habang papasok ang kotse sa village di ko mapigilang mapangiti. Nakita ko lahat ng mga kaibigan and I was able to catch on the latest buzzes about them. And, of course, aside from that, I was able to rekindle the memories I shared with them.
It’s been fifteen years since we’ve graduated… its good to know that we are doing very well in the respective paths we chose to take. I just hope that the legacy of the worst block (if there is any) will flourish in our children, and our children’s children.
- Wakas -

0 comments:

Related Posts with Thumbnails

  © Blogger template 'Tranquility' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP