Monday, July 30, 2007

light at the end of the tunnel

naalala ko na naman ang laging sinasabi ng previous boss ko everytime the company experiences a big problem, he says 'we will see light at the end of the tunnel'. naimagine ko, tren yun na matagal naglakbay sa ilalim ng tunnel at parating na sa maliwanag na istasyon.. akalain mong naisip ko yun? ang babaw ko alam ko. nakakaiyak. LOL

nung nagkasakit, naospital at naoperahan ang tatay ko pakiramdam ko, im the loneliest person in the whole world. bukod pa sa mataas ang bill ng ospital at doctors fee, mahal din ang maintenance ng gamot at pagkain niya everyday. being the bread winner of the family, di ko to kakakayanin.. i thought. pero asan na ba ako ngayon?

heto, im 3 years bound to chain of credit. opo. malaki ang utang ko sa paligid. ika nga ng friend ko, in money and in kind. name it! hihih. i still have the nuts to laugh. eh ala nga naman umiyak ako noh?

eh yun nga. anung bright side sa mga pangyayari lately sa buhay ko? let me name it..

una, nung naospital si tatay, yobib got the chance to "be close" to them.. ang importante makita nila at makilala ng lubusan si yobib. which will never happen pag sa bahay lang.. sniff. nung kelangan ng blood donor, yobib offered his precious blood. basta i yobib and i see it as a positive sign, magiging close na sila ng family ko! yahoo.

pangalawa, di ako naka attend ng sportsfest at team building namen sa batangas. ang sad kasi di ko nakabonding ang mga officemates ko pero on the positive side..eto? explain ko. muse ako ng finance team, so that means i have to wear the skimpiest and sexiest i could ever imagine, na di ko pa nagawa sa buong buhay ko.. so ayoko. at no choice ako dahil martial law at kelangan ko lng daw sumunod. at dahil nasa ospital ako, di ako nkarampa! yipeee! at sobrang physical daw ng sportsfest at team building and to think na by that time di ko pa alam na preggy ako- sobrang kitikiti ko pa naman- so malamang wala na akong pinagbubuntis ngayon. eh gusto ko na nga ng baby eh!! see? positive?

pangatlo, nakilala ko ang mga taong tunay na nagmamahal.. marami sila at forever ko silang itatatak sa puso ko.

0 comments:

Related Posts with Thumbnails

  © Blogger template 'Tranquility' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP