Monday, February 26, 2007

bakit pa?

bakit pa ko maiinlove kay piolo or sam, eh sobrang inlababu na ko kay FAFA YOBIB?

bakit pa ko maghahanap ng rakista or bokalista, eh meron na kong yobib "my all star gitarista with golden voice"?!

baket pa ko maghahanap ng carbo foods sa labas kung meron ng 4 extra rice si yobib? :)

bakit pa ko maghahanap ng honey, darling or sweetheart kung meron na kong BABY sa puso ko?

bakit pa ko maghahanap ng sundalo or architect kung meron ng ACCOUNTANT ang buhay ko?

bakit pa ko maghahangad ng dozen of roses kung meron na kong surprise na supply ng 1 or 3 red roses from the one who loves me so much?

bakit pa ko manghihingi ng ferreiro or tobleron kay inang daryl na melon kung meron akong kitkat from yobib?

bakit pa ko maghahanap ng tsinito or moreno kung meron na kong mestisong si yobib?

baket pa ko maghahanap ng sixfooter or bodybuilder kung meron na kong 'high blood' na machong di tumiigil sa pagkain hanggat di nabibitak ang likod!?

bakit pa ko maghahanap ng superman o batman kung meron na kong "SUPER KADNAPERU"??

at bakit pa ko maiiinis sa mga "HOPE" na umaaligid sa baby ko? Eh alam ko namang ako lang ang nasa puso at isip niya??


at baket ako maniniwala sa kung anung sinasabi at sasabihin ng iba, eh eto na nga ang sabi ng baby ko!

"nobody owns me but my baby...no matter what happen i'll stick to my baby...harangan man ako ng isang libong itak at sibat, bala at isang batalyong sundalo ay hindi ako matitinag at matatakot hanggat taglay ko ang tunay at wagas na pag ibig ng baby ko..anong sandata pa ang hihigit sa isang tunay na pag iibigan..

pipiliin ko pang mamatay na naghihirap at ipinaglalaban ang taong mahal ko kaysa sa mabuhay sa karangyaan na kapiling ang taong hindi tinitibok ng aking puso...

aanhin ko pa ang bawat yaman sa mundo kung hindi ikaw ang makakahati sa bawat makakamtan ko...

aanhin ko pa ang lahat ng bukas kung hindi ikaw ang makakasama sa bawat tatahakin ko...

mahal kita higit sa aking buhay..higit sa kanino pa man...

u are worth fighting for..u are worth dying for...!" - yobib



ang swit pu diba?! ayan nagmimelt na naman heart ko! :D
and yobib has his version of "bakit pa?" for me and for the people in the hauz! weheheheh!

0 comments:

Related Posts with Thumbnails

  © Blogger template 'Tranquility' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP