di na ko emote!
kanina pa ako nakakaramdam ng lungkot. di ko alam kung baket, basta lang ang bigat ng loob ko. siguro kasi natural na emotera at maarte ako kaya ganun.. pagkatapos makausap ang ilan sa mga kaibigan.. naisip kong bilangin ang mga bagay na dapat ay ikasiya ko at tigilan na ang pag eemote!
1. favorite daughter ako ng tatay ko (pakiramdam ko yun!) at overprotective sken ang nanay ko.. alam kong mahal na mahal nila ako.
2. umiyak ang kapatid kong si aya habang nagkkwento na napanaginipan niyang kinuha na ko ni Lord, haleluyah! di niya man masabi.. mahal niya si ate niko niya!
3. ang kapatid kong nagbibinata, palaging nagtatanong kung san ang lakad ni ate, kung pwede lang na samahan niya ko sa lahat ng pupuntahan ko, lam kong gagawin niya.
4. may isang lalakeng labis na nagmamahal sa akin at minamahal ko rin ng lubos..
5. ang mga kaibigan at mga kasangga ko, pagalitan man ako dahil sa mga kamalditahan ko.. alam kong mahal na mahal ako. alam kong gusto nilang maging masaya ako. natutuwa ako na nandyan sila, laging may taga untog, pag nawawala sa sarili si niko.
6. isa pa.. masaya ako kasi andito pa ako sa ibabaw ng mundo.. nagmamahal at minamahal.. sarap mabuhay, ang ganda ng buhay! whew!
ayan.. di na ko emote! clap clap clap
3 comments:
i'm glad your back to your senses. =)
miss na kita!sensy na medyo busy na ako ngayon sa trabaho eh =(
i'm glad you're back to your senses. =)
miss na kita!sensy na medyo busy na ako ngayon sa trabaho eh =(
Post a Comment