my ending
lagi kong tinatanong ang sarili ko.. anu nga ba ang papel ko sa mundo? anung misyon ko?
naisip ko, panu kung bigla akong mawala.. nagawa ko na ba ang dapat kong gawin? natapos ko na ba misyon ko? e hindi ko nga alam kung anu ba talaga ako sa mundong 'to.. ang hirap naman.. ito ang mga sandali na napapatahimik akong bigla, nawawala ang ngiti sa labi at napapadalas ang buntung hininga..
hinihiling ko lang, na sana bago man lang ako mawala o kunin ni Lord. naparamdam ko sa mga mahal ko sa buhay kung ganu ko sila kamahal.. at sa mga di pa nakakakilala, makilala sana nila ako sa mga kwento ng mga totoong nakakakilala sa'kin.. yung totoong ako, yung ako mismo.
kung di man ako makapagpaalam.. maalala sana nila na di ko sila iiwan.. andito lang ako. dahil may mga taong umaalis ng di nagpapaalam ngunit may mga taong nagpapaalam subalit hindi umaalis..
ang totoo, speechless lang ako ng mga oras na 'to. please bear with me.
4 comments:
kaya nga raw sabi nila, you have to live life to the fullest and live it like there won't be any tomorrow.
:)
uhm.. sino yung nagpaalam na pero ayaw naman umalis? hehe!
Post a Comment