Thursday, August 12, 2010

Liham para sa aking Sarili (Letter to Self)

Mahal kong Niko,

Binabati kita! Akala ko ay magpapasa ka na ng resignation letter (ano sa tagalog ang resignation letter?) nung magsimula ang unang araw ng linggong ito. Pero kinaya mo. Alam kong nahihirapan ka na. Pagsabay sabayin ang pagiging adik sa blog (ano sa tagalog ang blog?), sa pagiging ina at asawa, at pagtatrabaho ng limang araw sa buong lingo ng higit walong oras. Puyat, pagod, sabay pa ang pagkaiyakin mo, napuno ka na… pero kinaya mo.

Kasi alam mong hindi pwedeng pagnahirapan ay aayaw na. Hindi pwedeng pagnapagod titigil na. Hindi pwedeng pag umiyak magdedesisyon ng bigla bigla at hindi pwedeng mag inarte dahil kelangan mong kumayod. Itigil ang drama (hindi ka naman artista!), itigil ang pag iilusyong manalo sa lotto (dahil di ka naman tumataya!), itigil ang pag wish (pakitagalog) na sana pinanganak kang may gintong kutsara sa bibig.

Kumayod ka! Daigin mo si kuracha (ang babaeng walang pahinga)!

Ang aking bahagi sa Letters that ‘ll Never Send in tagalog version. Dahil ngayong buwan ayon kay Mys ay buwan ng wika. Pindutin ang magandang badge (pakitagalog ulit) para sumali at magbasa ng mga makabagdamdaming sulat. Maligayang Huwebes sa inyong lahat!




5 comments:

Mys Thursday, August 12, 2010 2:11:00 PM  

I love it. Mali pala, dapat Tagalog. Ang galing naman ng liham na ito. Nakakatuwa. Buti at kinaya mo, ako, inggit...walang trabaho. Kaya mo yan. Salamat sa paggawa ng liham.

Umma Friday, August 13, 2010 6:37:00 AM  

Hihihi.. though some of it I hardly understand but overall it's fun to read mareng Niks..

How are you today?

fedhz Friday, August 13, 2010 9:03:00 AM  

sugod babae! (go girl!) bwahahaha

kimmy Sunday, August 15, 2010 5:48:00 PM  

Go Niko!

Mommy Liz Monday, August 16, 2010 5:10:00 AM  

daming memeng sinasalihan ah. Hehehe.. makabagbag damdamin nga ang sulat mo Marce. Pahinga ka naman kahit minsan.

http://www.mykidzpower.com bagong site yan para sa mga anak ko..

Related Posts with Thumbnails

  © Blogger template 'Tranquility' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP