Monday, August 25, 2008

and we sung a good song

nasabi ko na ba? member ako ng choir sa SOM. i remember inutusan ako ng mother in charge namen na mag audition kasama ang mga kadormates na kasing laki ko lang. meaning, mga cute size ang qualification, not necessary the voice. pero and pinakaimportante, dapat smiling face.

isa lang ang step ng mga choir, ang kamay nasa palda, parang kawayan na sinasaliw ang indak sa hangin, ganun lang kasimple. ang kanta namen di lalagpas sa 5. nang aaliw kami ng mga bisita at donors na foreigners, kaya dapat magiliw sa pagkanta. pag nagpresent nga kami sa mga kapwa estudyante, wala na atang nanood.. :D

mula first year highschool member na ko ng choir. kaya noong 3rd year ako, i decided to stop. ayoko na pong magpakyut, kumanta, kumendeng kendeng at mag close up smile sa stage. siguro im reaching adolescence stage, mahiyain na ko noon.

one time nung 3rd year ako, naglibot ang isang madre at namili ng mga bata, isa ako sa nalista at napaging ang pangalan. hayun, kakanta ulit. di ko na carry pero dahil masunurin go na lang ako. and then ate sheng a week ago reminded me na dun kami nagkasama.. kumanta at nagpakyut sa mga bisita. looking back, its not that bad. kasi as i recall now it brings joy to my heart. and it feels good to know na may memories kang binabalikan.

until now choir pa rin ako sa simbahan samen, running 7 years na nga kami. ako at ang mga graduates ng SOM, but sad to say ako na lang at dalawang 2nd batch ang active na kumakanta.. ang ibang members namen mga hobby talagang kumanta and that includes my husband and his cousin
thata.

and im wishing na sana our dear Yena will sing with us too. hindi dahil trip ko lang.. kasi daw when we sing during the mass it is the highest form of prayer.. its like praying twice. and the family that prays together, stays together. doing the equation.. the family that sings together, stays together times two! ;)

0 comments:

Related Posts with Thumbnails

  © Blogger template 'Tranquility' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP