Friday, July 04, 2008

for my Lolo's birthday

birthday ng lolo ko sa monday, July 7. at dahil ulyanin ako ng highest level i made this post in advance for him. i will no disclose his age kasi baka ayaw niya ipaalam sa blogging world. kaya kung usapang "wala kayo sa lolo ko", bibida na ko.

wala kayo sa lolo ko. . .

  1. isa siyang active blogger at di ko na mabilang ang minimaintain niyang blog sites ngayon..
  2. siya ang aking mentor sa blogging world, after reading his blog, antimano* gumawa ako ng sarili kong blog! (*antimano- hiram ko lang sa napakaraming expression ng asawa ko, in english right after, tama ba baby?:p)
  3. after seeing my template, he suggested na mamili ako sa mga templates ni ate sienna sa manilena kasi mas marami raw maganda at unique na templates dun, iwan lang ako ng message kay ate sienna kung may napili na ko, wag daw ako mag alala, mabait si ate sienna, at kapatid siya ni smokey manaloto! true enough, baet talaga si ate sienna at etong template na gamit ko ay galing sa kanya, at dahil bago ako sa blogging world, my beri baet lolo did it all for me! from the smallest details siya ang may kagagawan nito.. galing noh? :)
  4. ang lolo ko ay may beri adorable cutey kid na si pia na nauna pang nagkablog saken! sabi nga nila, any man can be a father. it takes someone special to be a dad. and he is that uber special, kasi he is and he will always be a good daddy to his pia.
  5. ang lolo ko ay member ng blogkadahan na binubuo ng mga witty at sensible bloggers from all over the continent tulad nina ate sienna at uncle batjay. it was like travelling and learning at the same time when you're on that site. promise.
  6. ang lolo ko ay nagtatrabaho bilang consultant pwede niyo siyang maging gateway to canada! true! click this.
  7. ang lolo ko ay batangueno, at kung ikaw ay galing rin sa lahi ng mga expert sa balisong, click here at ikaw na lang ang hinihintay nila!
  8. ang aking lolo ay may lahing andres bonifacio, estudyante pa lang siya sa pcu ay isa na siyang tibak. fave shout outs niya? GMA Resign! i guess until his last breath di na magbabago un. :)
  9. mahilig mag mountain climbing ang lolo ko, kasama ang mga kasambahay at mga alumni ng sisters of mary school. opo, sisiw pa sa kanya ang umakyat ng bundok.. di pa naman siya ganun katanda. :D LOL
  10. ang lolo ko at ako ay hindi related by blood (sa tubig lang!hihi). but i know him that much (if not that well!) kasi nga may isang tao na nagbubuklod sa amin, sa aming lahat na galing sa sisters of mary school, ang aming ama, founder and soon to be saint na si Fr. Al.

ang larawang ito ay kuha noong august 2006, in celebration of the sister's of mary school foundation day, dalaga pa ako at wala pang pinuproblemang postpartum tummy. hahah heheh LOL :D

Advance Happy Birthday Lolo Apol! sana sa top ten wala-ka-sa-lolo-ko list na eto ay napasaya ko ang araw mo! :)

2 comments:

Anonymous Friday, July 04, 2008 3:40:00 PM  

wow! maluha luha naman ako dito. aylabit!

salamat!

niko Friday, July 04, 2008 3:47:00 PM  

im glad u labit lo!

suprise sana kta kaso di ako marunong nun e! weheheheh

hapi hapi berdey!

Related Posts with Thumbnails

  © Blogger template 'Tranquility' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP