Wednesday, June 11, 2008

Blame it on the anesthesia!

Highest level na ang pagiging makakalimutin ko. Kanina sa bus muntik na kaming mag-123 ni Yobib. Blame it on me, nakalimutan ko sa bulsa ng slacks ko ang pocket money namen. Kung may EPS (E-Payment System) sana ang bus di kami mag-aalala, easy as 123 rin na i-swipe lang si ATM card, eh wala pa namang ganun in the pilipins, esep ako- -aba teka meron na ba nun sa ibang bansa?! mai-google nga :) luckily, wala pa! hihi.. Buti na lang nakasabay namen ang friendship niyang si Nene, talking about angel in disguise anupo, salamat sa'yo!


Sabi nila dahil daw yun sa anesthesia, nakakabawas daw ng memorya. Putting the blame on anesthesia talaga! Dalawang beses na kasi akong na-general anesthesia. Una, nung third year highschool ako, appendectomy or surgical removal of that pasaway and no purpose at all na appendix. So sa right side ng tyan ko may tahi na pabalagbag pababa.

Pangalawa, ang recently proud na scar sa aking tiyan, ang tahing nilabasan ni Yenang, ang aking tahi via caesarian section.. Na proud na proud rin ang guhit patayo mula sa ilalim ng pusod pababa. Nagrequest sana ako ng pabikini cut kung alam ko lang na isi-cs pala ako. Edi sana nakakapag-bikini pa rin ako, in my dreams! :D

So kung susumahin, bukod sa pagiging makakalimutin ko dahil sa mga anesthesia at mga operation na pinagdaanan ko, meron na kong dalawang tahi sa tiyan! Isang tahi na lang sa left side at meron na kong bakod sa tiyan! Or pasok kaya ako sa showbiz with screen name na Mrs. Tahitian?? :D

0 comments:

Related Posts with Thumbnails

  © Blogger template 'Tranquility' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP