hAppY B-dAY my WifeY
Hi Baby! Nasurprise ka siguro na may naka post na dito noh. Inunahan lang kita. Pasensya na kung tagalog lang ang message ko kasi nahihirapan na akong mag express ng sasabihin kahit tagalog lalo na kung ingles pa. Mahirap na baka ma misinterpret ng mga makakabasa. Gusto ko lang na lagyan ng kalat ang blog mo.
By the way, gusto lang kitang batiin ng Happy 1st Bday as my wife and many more years to come to celebrate together. I hope you can handle and tolerate my shortcomings. Gusto ko man maibigay sau ang hinihingi mo hindi ko magawa kasi kailangan na nating paghandaan ang pagdating ng ating pinakaaasam na si Yena. Siguro later on magkakaron ka rin nun. I know naiindtindihan mo ako. Wala man akong maibigay ngaun pero pinapangako ko sa iyo, sa inyo na ibibigay ko palagi ang mga bagay na hindi natutumbasan ng kahit na anong bagay. Alam ko nahihirapan ka rin kapag may mga bagay tayong pinagtatalunan lalo na ang mga nakaraan natin, ngaun hindi na mangyayari yun kasi pinapangako ko na hindi na mauulit yun. I will change for the better. I will change my attitude especially those things that shows my immaturity.
Mahal na mahal kita! Hindi ko rin alam kung nasaan na ako kung hindi ka dumating sa buhay ko. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Ikaw ang katuparan sa lahat ng pangarap ko. Noon at hanggang ngaun ay ikaw ang babaeng lagi at mananatili kong hinahangaan. Maraming magaganda at gumaganda pa ang direksyon ng aking buhay dahil ikaw ang makakasama ko hanggang sa pagtanda ko. May mga pangit din at masasakit pero i'm still blessed kasi ikaw ang nakasama ko sa pagsuong ng mga yun at paglampas dun ay magkahawak pa rin tayo ng mga kamay. Kulang ang buong blog mo para mailarawan ko ang nararamdam ko sau, kung gaano kita kamahal at gaano ako kasaya sa piling mo. I promise to stay beside at kahit anong side pa sa piling mo. Ikaw lang ang mamahalin ko.
Dahil kaarawan mo, it's time for me to thank God that this day is the day that He created you to give you to me, to be with me until my last breath. I love u so much my wife, my friend, my crush, my barkada, my tropa, my kapatid, my teacher and my all.... Jeremy..!?
0 comments:
Post a Comment