Friday, June 13, 2008

What's happening now?

Nilibing na kahapon si Daboy, nakakasad. Sobra akong nalulungkot for his wife, Lorna Tolentino. All news, articles and pictures featuring Daboy and LT at Pep binabasa at iniisa isa ko talaga. Losing someone i love is my greatest fear. Kaya bilib ako sa katatagan ni LT when she said,

"Alam ko namang ipinahiram lamang sa akin si Rudy. Ang Diyos ang totoong may-ari sa kanya at kinuha na Niya."

To daboy, May he rest in peace with the Lord!

- 0 -

Kakasad din ang pagkakabihag kay Ces Drilon, dalawang cameraman ng ABS CBN at Mindanao Professor that served as their tour guide sa Sulu. Almost everyday yan ang usap usapan dito sa opisina. Pinalaya na kaninang umaga ang isa sa mga cameraman pero nagbayad ng P2M para sa board and lodging fee daw. Ang 2M ay galing daw sa Governor at Mayor ng Sulu. Ngayon hawak pa rin ng mga hinihinalang abusayaf ang mga kidnap victims, and last thing i heard P20M - P30M na ang hinihinging ransom. Sobra naman!

I'm thinking, baket kinukuha ni Lord yung mga mababait? Maraming masasamang tao, pede bang sila na lang ang unahin? Kung may listahan siguro, sama niyo na po sa Top 10 ang mga Abusayaf, yung mga walang kaluluwang kriminal at mga Corrupt Government Officials sa Pilipinas!

0 comments:

Related Posts with Thumbnails

  © Blogger template 'Tranquility' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP