Wednesday, December 27, 2006

Dont cry out loud..

Ang nakaraan..

December 20, 2006 - ETPI Finance Christmas Party

Kakaluha sa kahihiyan: Ang di malilimutang performance night (waaaaah! i dont want to be reminded!) nagkalat lang naman ako! Pero infairness danda costume namen.. at nakuha namen ang 1st Prize noh. But that will never equal the shame and scandal ive done. i admit i am a poor dancer, really! yaiks talaga. next chika please!!

Kakaluha sa takot: Mas may kadiri pa sa mga kadiri akong naeksperyens dito! tatlong beses ba namang sabihin sa'ken ang mga katagang ito "iuuwi kta!!!" at karipas na ko ng pag uwe.. buti na lng at sinundo ako ni baby. :)

December 21, 2006 - Best One Christmas Party

After effet of kahihiyan: Wala akong hangover sa previous party, 8pm pa lang nkauwe na ko noh! ciempre pa mahirap na, ayoko pong maiuwe ni "lolo". never! over my dead bootylicious body! weheheheh. Pero parang sabog akong pumasok.. natatakot akong lumingon baka anjan na sya at di ko pa nakikita... yay. trauma ata ako! di na talaga ako sasayaw or kakagat ng labi or BOTH. YAIKS tlga ako! yan tuloy..

Kakaiyak na nakakatuwang takutan: Lunch time, sa glorietta (chuchal!) Saisaki c/o Boss Kits! Lufet talaga.. ayoto tlaga ng japanese food! once i tasted it sa BentoBox (nung birthday ko!) at promise ko sa sarili ko na LAST na yun! yaw ko tlga ng lasa, i swear! :) Sushi and Maki tasted just fine, pero ang Salmon Sashimi???!! YOKO!!

at ang pananakot ni Boss "Iuuwi ka ni "lolo" o kakainin mo tong Sashimi!"

"Boss magpapauwe na lang po ako!" LOL

Ang ending, di ko pa rin kinain. Tigas Talaga ulo ko eh!

Kakaluhang asaran: Asaran, dito nag eexcel ng sobra ang baby ko, tuwang tuwa siyang naaasar at napipika ako sa kanya! habang party panalo na naman siya, di ko nabilang kung ilang beses akong napikon.. pero ok lng nanalo naman kami sa game.. weheheh. at ang prize? jewelry box! :)

December 22, 2006 - The Ring

Luha ng kagalakan: May pasok pa sa opisina, pero dahil sa "puyat" ng nagdaang party.. we decided not to go to work na lang.. sabi ni baby bili na lng daw kmi ng matagal na namen parehong pinapangarap bilhin.. ang aming wedding ring! :) yahooo!

After praying and blessing of the ring sa Sta Cruz, naghanap na kmi ng 501, yes si levi's nga.. ang lagi niyang kinukulit saken (ang galing po kasi may free na white shirt, heheheh) and what touched me was, the smile on his face, ahhh PRICELESS! thanks mastercard! :)

and speaking of Mastercard. Thanks tlga.. Priceless din ang ngiti ng mga kapatid kong c Aya at Lui at ang fave kong niece na si Iya nung nagshopping kami.

At ang mga pamangkin kong makukulet hanggang tenga rin ang ngiti.. all the best siyempre para saan pang nagttrabaho si ate, it's all for them! yaiks. heheheh

thanks mastercard. now i have to work double time to pay you. mahirap mabankrupt! kakaiyak yun!! :D

December 23, 2006 - Shopping again??

Kakaiyak sa pagod: It was a planned day, punta ng SM to buy something for Macky and Chang2, my baby's brother and nephew. at ang laging pahirap.. si baby di na naman nakakapag withdraw!! na naman. basta daming beses na kaming lumalabas na naghahanap ng ATM. ang siste, sobrang haba ng mga pila!! pero naging "OK DIN" after 48 years. next time tlga magpapakagirlscout na ako! yun lang!

December 24, 2006 - 3 Masses, 1 Missed

Missed: 4am mass- As usual, tulo laway akong nagising ng 4:30am. palpak na naman ang alarm ko! kamusta naman?! call time sa choir ng 3:30am, para sa last simbang gabi!! weheheh. so dahil late na ko, tinuloy ko na lang si tulog ko! :)

9:00am mass went just fine. hayun di lang pala ako ang tinaghali ng gising at di naka attend ng 4am mass! heheh. si leader of the band humabol lang din pala! :) ninerbyos si baby.. hehehe nagsolo ba naman sa pagtugtog! sayang di ko napanood ang panginginig niya!

after mass, me and kat had a heart-to-heart talk. haaay. miss talking to her! so much. miss ko na rin ang tropang PLM ko. huhuhuh. pero hindi na tlaga ako ung tulad ng dati.. ngayon, i dnt tell everything na. more than half of what i feel, im keeping it all inside me. naiyak ako while talking to her.. pero iba na rin. di na ko nagbabaha ngayon.. i guess im much stronger now! or maybe now is not yet the time to tell it all out.. not now. maybe never. :(

9pm mass: i cant cry out loud! tears of joy po eto. if only i can attend the mass with the whole family just like last year.. pero iba na ngayon. sana sooner matanggap na nila ang desisyon ko. i just have one wish this christmas at yun na yun! ACCEPTANCE! yun lang! maybe only time can tell.. pero sana time bilisan mo ha, before i run out of time! LOL

after mass i cant cry out loud, pero ang hirap ng feeling na maghihiwalay at uuwe na sa kanya kanyang bahay. i wish to spend christmas with him and my family, kaya lng bomalabs pa sa pinakabomalabs eh! ang hirap po kuya eddie.. now ko lang naekspi eto! haaaay.

sana next year, maayos na ang lahat. (eyes closed, fingers crossed!!)

December 25, 2006 - Happy Birthday Jesus!

As usual, late na ko nagising. wala ng sasarap pa sa pagtulog! heheheh. hobby ko yan! at wala namang masyadong gagawin noh! magtatago ako sa dalawang dosena +++ kong mga inaanak at pamangkin. bahala na si ina sa pagbigay ng mga gift ko sa ilalim ni krismas tree. ganun naman palagi ang drama kO! "wala si ninang!!" heheheh

why is this christmas different?
uhm. bukod sa "misunderstood" ang tingin sa akin sa last quarter of this year until this christmas season. LOL. totoo naman! :)
ang pinakabago saken ngayong pasko ay ang aking baby.!! wiwit! hahahah. diba nga masaya na nakakaiyak ang misa de gallo ala 9pm ko kagabi? so hayun.. yun pa rin yun! after effect ika nga! basta iba ang feeling kuya eddie.. para akong tinedyer, "di makatulog sa gabi sa kaiisip, sa diwa ko'y ikaw ang aking panaginip" kahit kasama mo na, miss na miss mo pa rin. yung feeling na "you cant get enough of him" at yung emote na highest level na "this is it!" ganun na ganun! wiwiiiiit!

ay bago rin pala para saken ang manood ng sine sa araw ng pasko, ewan ko ba baket namin naisipan. muka kasing maganda ung shake rattle and roll 8, muka lang pala. heheheh. basta kung nainterview man ako pagkatapos namen yun mapanood eh isa lng masasabi ko. uhm anu nga ba? wala. wala akong naramdaman. wala lang!! grrrrrr

bago ko makalimutan, thanks nga pala sa manong guard na nagpapasok samen sa St. Anthony's Boys Village. nalibot namen ang school ng baby ko nung highschool. danda ng place parang SOM rin! :)

-----
yan ang mga nakaraang.. kakaiyak sa pagod, kakaiyak sa asar, kakaiyak sa takot, kakaiyak sa kahihiyan at kakaiyak sa tuwa na mga nangyari..

eh baket ba ang daldal ko today?! "ALAK PA!"

2 comments:

honeybhing23 Monday, January 01, 2007 7:53:00 PM  

hay! sarap nman basahin ng blog mo....though minsan nalulungkot ako sa mga pangyayari....

sino si baby?

wish to see u niko.....

sniper_niko Tuesday, January 02, 2007 7:54:00 AM  
This comment has been removed by the author.
Related Posts with Thumbnails

  © Blogger template 'Tranquility' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP